Eto lang talaga tanong ko, bakit kinokompara nila ang Fahrenheit sa DBSK if sa tingin naman nila nothing compared to them ang Fahrenheit? If ikokompara nila ang FRH sa DBSK, eh, para na ring sinasabi nila na worth it
talaga icomapre sa kanila, diba? I know, 'yung ibang cassies mababait at 'yung iba pa nga kahit hindi FRH fans pinagtatanggol ang FRH and I really appreciate them.
Nakakainis lang talaga! Sige, di nga ganun ka galing kumanta ang Fahrenheit but they're improving.
'Yun naman 'yung importante eh. Ang hindi tama ay kung di sila nag-improve. Pero nag-improve naman eh! So, what's the problem?
Alam ko, pinagmamalaki niyo 'yung achievement
nila. 'Yung having the biggest fan club blah blah.
Pero sana naman, 'wag n'yong maliiting 'yung kakayahan ng FRH. They might not be better than DBSK
pero may maibubuga naman sila. They don't have to be the best
para lang maappreciate at hangaan. They don't have to be the best
para tawaging magagaling at idols. I know, it's kind of O.A to say I cried because of the way the cassies discriminate them but can you blame me? I love them. Not just as a fan.
Tinuturing ko sila na inspiration,
na parang part of my family
kahit alam ko, di nila ako kilala. Pero kung hindi dahil sa kanila, di ako magiging ganito kasaya. Di ako magiging ako ngayon. Di ako makakasurvive. Kung di dahil sa kanila, malamang, wala na ako sa planetang ito. Seriously, kund di dahil sa kanila, patay na ako ngayon. Nagpakamatay na ako. Ilang beses na akong nag-isip at nagtangka na umalis sa bwisit na mundong ito pero sa twing ginagawa ko 'yan, sila naiisip ko. Sinasabi ko sa sarili ko na 'wag muna kasi mamahalin ko pa sila hanggang sa huli. 'Wag muna kasi aabangan ko pa performances, songs at dramas nila.
'Wag muna kasi naniniwala ako na balang araw, makikita ko sila. 'Wag muna kasi alam ko, darating ang araw na makikilala ko pa sila, mayayakap at masasabi ko sa kanila kung gaano ko sila hinahangaan. Yes,
di sila ganyan kagaling, kahusay ng DBSK, pero sa lahat-lahat, if you say they're imperfect then I'll sa they're the BEST imperfect group
para sa akin. Hindi mahalaga sa akin kung sintunado man sila minsan. Kung di man sila ganun kagaling sumayaw. Kung di man nila mapantayan 'yung kaya ng DBSK. Wala na akong paki dun. Kasi alam ko may magagawa sila na hindi kayang gawin ng iba. Kahit DBSK pa. Proud ako at super happy
na fan nila ako kasi naranasan ko 'yung paano mahalin ng mga artista, kahit di nila kilala, 'yung mga fans. They taught me a lot of lessons.
Di lang sila basta-basta. They change lives. They improve lives. They make lives happy. Kung di ko nakilala ang S.H.E at FAhrenheit, malamang, loner
na ako ngayon. Ang laki lang talaga ng impak nila sa akin. Kaya sa lahat ng mga cassies na minamaliit sila, bahala na kayo. Kahit ilang beses niyo pang insultuhin at maliiting 'yung Fahrenheit, wala na akong pakialam. Kung 'yan nakikita niyo, pwes, hindi sa akin. Ang nakikita ko lang ay angels
na pinadala ni God
sa buhay ko para hindi ako mangungulila. May mga matuturing ako na mga kuya na tumutulong sa akin kahit di ako kilala. May mga matuturing ako na mga kuya na nagiging gabay ko sa lahat ng dumaan. May mga matuturing ako na mga kuya na palagang nagpapaalala sa akin kung gaano kaganda at kasaya ang buhay; nagpapaalala sa akin kung paano magiging mabait at maalagain sa iba at sa nasisira nating mundo.Di lang nila ako fan at di ko rin lang sila idols. They are way much more than that. And that's what made them extraordinary. Di na ako mangingialam kung ano pa ang sabihin niyo sa kanila kasi alam ko na mali kayo dahil as a loyal fan,
alam ko ang tunay nilang kakayahan.------------
To all who didn't understand my feelings,
salamat nalang sa pagbasa. To all who didn't understand, I'll just translate this soon. Not now.
-----------
Quote to share:
Nobody can go back and start a new beginning. But anyone can start today and make a new ending. -Maria RobinsonMy status:
Stated in my title. *sigh*